001VP Leni visit Manatal Coop::March 22, 2018 ______________________________________________________
'HOW IS YOUR FLIGHT GOING TO BILLIONAIRE COOP?' Iyan ang tanong ni VP Leni sa pagbisita niya rito sa Manatal Coop Main Office. Ito ay dahil sa tagumpay na nakamit ng Manatal Coop sa pagtataguyod ng kilusang kooperatiba sa buong rehiyon.

Sa pakikipag-usap ng niya sa ating mga kawani, nakita niya ang tatlong sikreto ng isang matagumpay na kooperatiba:

  1. Good Governance
  2. Transparency
  3. Building the trust of members

Ikinatuwa nina VP Leni at ng kaniyang staffs, kasama din ang buong Sangguniang Bayan ng Pandi sa pagkakataong ito, sa stories of success ng Manatal Coop. Proud na proud si Mayor Celestino "Tinoy" Marquez sa naabot ng kooperatiba yamang bahagi siya nito bago pa sya manungkulan bilang Punong-Bayan.

Humanga ang ating Bise-Presidente sa dedikasyon ng mga opisyal at staffs ng Manatal Coop kung kaya't gusto nitong bumalik rito upang mapag-usapan pa ang ilang projects may kinalaman sa pagpapaunlad ng agrikultura sa lalawigan at sa ibang probinsya. Hiling nito ang suporta ng Manatal Coop sa pagtulong na umasenso ang pamumuhay ng bawat Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayan ng pamayanan!