• 28th General Assembly

    Theme: "Creating a Better Community”Read more
  • 30th Foundation Day Celebration

    Theme: "Standing the test of time, strengthened like the layers of Pearl"
  • Chairperson's Corner

    "Year on year, students present to their parents the result of their efforts during the past school year reflected on their class grades...Read more
  • Our History

    Read more
  • Our Core Values

    Character, Honesty, Alertness, Reliability, Accountability, Care for others, Transparency, Equity and ResponsibilityRead more

00128th General Assembly::April 06, 2019 ______________________________________________________
Naging masaya at makabuluhan ang araw na ito para sa mga “Proud Members” ng Manatal Coop. Noong ika – 6 ng Abril ay naganap ang 28th General Assembly ng mga myembro ng Manatal Multi-Purpose Cooperative. Ito ay naganap sa Manatal Coop Empowerment Center – Main Complex na dinaluhan ng halos apat na libong myembro.

Nagpasimula ang pagpapatala ng mga kasaping imbitadong dumalo sa ika-28 na taunang pangkalahatang pagpupulong ng mga myembro ng Manatal Multi-Purpose Cooperative sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika 12 ng tanghali. Dito ay naglagay ng information kiosk kung saan maaring iscan ng mga myembro ang kanilang Membership ID upang malaman kung saang booth number sila kailangang pumunta at kung ilan at ano ang kanilang mga raffle ticket.

Nag-umpisa ang programa sa ganap ng 10:00 ng umaga, at ito ay pinangunahan ng mga naging guro ng palatuntunan na sina G. Ricardo Trinidad, Gng. Leah Gumasing, Gng. Aida Zuñiga, Gng. Ma. Estela Santos at Gng. Andrea Gemma Cruz.

Ang tema para sa 28th General Assembly ay “Manatal Coop: Creating a Better Community”. Nagpasimula ang pagpupulong nang bangitin ng kalihim ng Patnugutan na sa mga oras na iyon ay nasa 50% na ng mga kasaping maaaring bumoto (members entitled to vote o regular MIGS) ang nakapagpatala na.

Itinanong ni G. Eric Dizon sa kasapian kung matatalaga ba uli ng ng mga Follr Leaders upang maging sistematiko ang pagtatanong at pagbabahagi ng mga saloobin ng mga Regular Members in Good Standing. Isa pa sa kanyang itinanong kung maglalagay ba ng limit sa oras para sa mga kasaping papayagang magtanong. Itilaga sina G. Ricardo Trinidad, Gng. Ma. Estela Santos, Gng. Maria Lourdes Legaspi at Gng. Proceso Sta. Ana.

Inihain din ni G. Dizon ang tala ng mga pag-uusapan batay sa 2018 Annual Report. Ito ay ang pagbasa ng katitikan ng nakaraang pagpupulong, pag-uulat ng mga officers, Pasya/mga naging aksyon ng Patnugutan, 2019 Business Plan, 2019 Proposed Budget, Panukalang amyenda sa Articles of Cooperation at By-Laws, Pag-apruba ng 2018 Audited Financial Statements, pagtatalaga ng External Auditor, at Pagproklama ng mga bagong halal na officers, pati na rin ang raffle for members.

Ginanap ang eleksyon sa opisina ng Manatal Coop at mga branches noong Marso 1-15, 2019 batay sa GA Resolution No. 21 – 4/6/2019 at higit sa 10% ng MIGS ang nakaboto sa naturang eleksyon. Ang mga nanalo ay sa iba’t ibang posisyon ay ang mga sumusunod:

  • Lupon ng Patnugutan: G. Estelito Cabuhat, G. Edgardo Mapue
  • Lupon ng Pagsisiyasat: G. Proceso Sta. Ana, G. Florante Victoria, Maria Lourdes Legaspi
  • Lupon ng Halalan: Gng. Bernardita Marquez, Gng. Ma. Estela Santos, G. Oscar Flores

Tinanggap ng buong kasapian ang resulta ng naging halalan.

Bago matapos ang pagpupulong ay binigyang din ng parangal at pagkilala ng Manatal Coop ang mga “Pioneer Members” na sa simula pa lang ng pagkakatatag ng ating kooperatiba ay tumulong na mapaunlad at mapaganda ang ating kooperatiba.

Isa pa sa mga pagbabago na naganap sa ating 28th General Assembly ay ang ating paraffle para sa mga myembro kung saan ito ay ginawa nang Electonic Raffle, upang maganda at mapabilis ito.

News & Announcements

Properties For Sale

Vehicle For Sale

chairpercorner

Affiliations

  • accu.png
  • aub.png
  • bdo.png
  • bpi.png
  • china.png
  • landbank.png
  • mscb.png
  • pfcco.png
  • pnb.png
  • rcbc.png
  • woccu.png

mission2

visionfinal

core

historyfinal

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •