______________________________________________________
Napuno ng saya, mga papremyo at mga libreng serbisyo ang katatapos lamang na MANATAL COOP 28th Foundation Day noong Sabado, August 24, 2019 sa MANATAL COOP Empowerment na may temang “Malinis na Kapaligiran para sa Maayos na Kalusugan”.
Ang ilang mga empleyado at kawani ay naglibot sa bayan ng Pandi sa pamamagitan ng isang Motorcade sa tulong nga mga barangay tanod na atin ding naabutan ng mga vest na maaari nilang magamit. Masaya ring tinanggap ng mga senior citizen na dumalo ang hinandog na tungkod para sa kanila.
Iba’t ibang serbisyo ang ating mga inihandog tulad ng libreng serbisyong medikal na Diagnostic Tests (Blood Chem, Urinalysis, ECG) with PSA (Prostate Specific Antigen) Test para sa mga kalalakihan at X-Ray, Medical Mission, Dental Mission at Optical Mission. Kaugnay nito ay nagpamigay din tayo ng libreng mga reading glasses sa mga edad 40 at pataas at mga libreng gamot at vitamins na inireseta ng mga volunteer Doctors. Nagbigay rin tayo ng mga libreng wellness services tulad Eyebrow Threading, Haircut, Massage, Manicure/Pedicure at Foot Spa.
Marami rin ang nag-uwi ng mga papremyo sa mga inihanda nating mga palaro at raffle prizes.
Nagbigay din tayo ng magandang oportunidad sa mga Small and Medium Enterprises na maipakita ang kanilang iba't-ibang produkto at serbisyo sa paglalagay nila ng kanilang booth.
Sa kabuuan ay talagang nag-enjoy ang lahat ng mga dumalo, mapamyembro o hindi, sa ating ginanap na pagdiriwang.