001Team Building 2019::September 13-14, 2019 ______________________________________________________
Napuno ng saya, sigla, pagkakaisa at mga aral na natutunan ang katatapos lang na Annual Team Building para sa lahat ng MANATAL COOP Officers and staff noong September 13 at 14, 2019 na ginanap sa Tanza's Oasis Hotel and Resort sa Tanza, Cavite.


Sa pangunguna ni Sir Rico Coligado, ang naging tema ay "Together: We Shine, We Serve" na ang pinakapaksa ay ang pagiging mapagpakumbaba para sa mas magandang serbisyo ng MANATAL COOP.


Bukod sa mga palaro, nagkaroon din masasayang performances mula sa mga bagong empleyado. Binigyang pagkilala rin ang mga Officers and Staff na nagpakita ng kanilang katapatan sa paglilingkod nila ng 5, 10, 15 at 20 years sa serbisyo. Ang lahat din ay nagpakita ng pagkakaisa sa mga group activities tulad ng cup songs at lazy man challenge.


Sa pamamagitan ng Team Building, hangad ng MANATAL COOP na mamotivate ang lahat upang mas maayos na makapagtrabaho ng sama-sama, madevelop ang mga kakayahan at maipakita ang diwa ng kooperasyon.