Ang ating Veterinary Supply ay naglalayong makapag-serbisyo sa mga miyembro sa pamamagitan ng de-kalidad ngunit abot kayang mga vitamins, antibiotics, vaccines, disinfectant at iba pang supplies na magagamit sa paghahayupan. Mayroon ding Semilya (boar semen) para sa Artificial Insemination (AI) na mabibili sa ating piggery farm.

Mayroon ding balik tangkilik o patronage refund sa mga kasaping pa- tuloy na tumatangkilik sa mga produkto ng Manatal Coop.

Ang TSM-Paalaga (TSM-Swine Dispersal) ay isa sa mga programa ng ating Kooperatiba na bukas para sa mga kasaping may kasanayan sa pag-aala- ga ng baboy ngunit walang sapat na puhunan upang maka-pagsarili. Ang Kooperatiba ang siyang sasagot ng puhunan sa biik, feeds, gamot at teknikal na pag-alalay sa panahon ng paalaga. Ang pinaka-mababang bilang na maaaring ibigay sa isang kasapi ay sampu (10 heads) at ang pinaka-marami ay dalawang daan (200 heads). Ang hatian sa kita ay 60% para sa kasaping nag-aalaga at 40% sa Koop, kung ang kita ay P900 pababa bawat ulo. At 65% naman para sa kasaping nag-aalaga at 35% sa Koop kung ang kita ay P901 pataas bawat ulo. Nagbibigay din ang ating Kooperatiba ng libreng seminar sa mga nagnanais ng karagdagang kaalaman sa pag-aalaga ng baboy.

Ngayong 2018, umabot sa 3,263 heads ang bilang ng naibentang fattener at 3,291 ang kabuuang bilang ng pina-alagaang baboy at 42 naman ang naitalang kasapi na nagbenepisyo sa programang ito.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •