001Trash Bin Donation::Septemper 08, 2020 ______________________________________________________
Ang Manatal Coop ay nagbigay ng isang pares ng basurahan (Nabubulok at Hindi Nabubulok) at tatlong gallon ng alcohol sa lahat ng 22 Barangay dito sa bayan ng Pandi sa tulong ng mga Kapitan ng bawat Barangay ngayong araw, September 08, 2020, sa Manatal Coop Empowerment Center.

Ang proyektong ito ay isang magandang halimbawa ng pagtutulungan ng ating Kooperatiba at ng Komunidad para sa wastong pangangasiwa ng mga basura para sa kalinisan at kaligtasan ng mga mamamayan.