04_MEDAL_DONATIONMedal Donation :: May 25, 2021 ______________________________________________________
Ang Manatal Coop ay sumasaludo sa mga mag-aaral na magtatapos at nagkamit ng mataas na karangalan para sa kanilang baitang bagamat sila ay sumailalim sa "new normal" na pag-aaral sanhi ng nararanasang Pandemya.

Ngayong araw, May 25, 2021, ang Manatal Coop ay nagbigay ng Coop Excellence Medals sa ating ginawang Medal Donation Program para sa lahat ng Elementary Schools dito sa bayan ng Pandi. Ang programang ito ay naisakatuparan sa tulong ng Pandi North District, Pandi South District at ng Pandi Private Schools Association.