Brigada Eskwela Program :: October 12, 2021 ______________________________________________________
Ang Manatal Coop ay muling nakapagbigay ng mga printer para sa proyekto ng Community Development Committee na Brigada Eskwela Program sa labing limang paaralan dito sa bayan ng Pandi.

Layunin nito na masuportahan ang implementasyon ng Department of Education ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP) at upang matiyak ang paghahatid ng magandang kalidad ng edukasyon sa kabila ng Covid-19 Pandemic na ating nararanasan sa pamamagitan ng Modular Learning Modality sa mga estudyante. Ito ay ginanap ngayong araw, October 12, 2021 sa Manatal Coop Empowerment Center.