Youth Day 2023 :: May 29, 2023 ______________________________________________________
"Empowering Youth: Believing in One's Self" ang naging tema ng katatapos lamang na Manatal Coop Youth Day 2023 na ginanap noong May 29, 2023 sa Manatal Coop Empowerment Center, Bunsuran 2nd, Pandi, Bulacan. Ito ay dinaluhan ang mga kabataan sa iba't-ibang High School sa Pandi, kasama rin ang mga Scholars ng Manatal Coop. Dito ay nagkaroon ng maikling seminar ukol sa Financial Literacy upang sila ay magkaroon ng kaalaman tungkol sa tamang paghawak ng pera, tamang pag-iipon, tamang paggastos, at kung paano ito mapapalago, at PMES (Pre-Membership Education Seminar) upang malaman ang mga kabataan kung anu-anong produkto at serbisyo ng ating Kooperatiba ang makakatulong sa kanila sa paghahanda nila sa kanilang hinaharap. Nagkaroon din ng recreation and team building activities upang madevelop ang kanilang self-esteem, social skills, team work, at mag-enjoy sa mga screen-free activities.