Ang Feeds & Agri Supply ay patuloy pa rin sa pagbibigay serbisyo sa ating mga miyembro sa pamamagitan ng mga de-kalidad na produkto na feeds para sa mga alagang baboy, manok at itik. Patuloy pa rin po tayo sa pagsuporta sa mga magsasaka sa mga kakailanganin nilang mga pataba o chemicals sa kanilang tanim na palay o gulay.

Patuloy pa rin po ang ating ARISP III Project (Rice production at Vegetable Production) sa pagbibigay ng financial na tulong at farm inputs sa mga magsasaka sa mababang porsyento ng pautang.

Mayroon din po tayong SOLAR DRYER na may kapasidad na 80bags kada salang upang mapabilis ang pagpapatuyo ng inyong mga palay. Mayroon din po tayong POST HARVEST FACILITY kung nais nyo munang magpataas ng presyo ng inyong produkto ay maaari po kayong maglagak dito ng inyong mga inaning palay.

Para naman po sa mga gustong mag-alaga ng itik ay mayroon po tayong ITIK-PAITLOG PROGRAM na magbibigay tulong po sa inyo sa mababang porsyento ng pautang.

Dahil po sa inyong patuloy na pagtangkilik ay ipagpapatuloy pa rin po namin ang pagbibigay ng BALIK-TANGKILIK o PATRONAGE REFUND sa inyo, na maaaring idagdag sa inyong saping puhunan o savings deposit at maaari pa po kayong makasali sa ating MEMBER-CUSTOMER DAY.

 

 

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •