Ang ating Coop Assurance Center o CAC ay naglalayong masiguro na ang bawat miyembro ay protektado. Lakip na rito ang Life Insurance gaya ng Damayan(GYRT), Loan Protection Insurance, COSPP at marami pang iba.
Nariyan din ang iba’t-ibang Non-life Insurance tulad ng CTPL, Comprehensive Motor Car Insurance, Fire Insurance at Personal Accident Insurance. Ang layunin nito ay upang maprotektahan rin naman ang ating mga sasakyan at ari-arian.
Yamang ang CTPL o Compulsory Third Party Liability Insurance ang pangunahing kailangan sa pagpaparehistro ng ating mga sasakyan sa LTO, ang bawat miyembro ng ating kooperatiba ay maaaring bumili o mag-avail nito. Mas mura at garantisado ito kung ikukumpara sa ibang CTPL Insurance provider.
Katuwang ng Coop Assurance Center ang CLIMBS Life and General Insurance Cooperative.