Manatal Coop Team Building - Making A Visible Difference

Regular na nagsasagawa ng team building activity ang mga empleyado at opisyal ng Manatal Coop, ito ay para higit pang mapatibay ang samahan ng bawat isa. At noong nakaraang taon 2015 napili ang ‘Bahay Bakasyunan’ sa Tanay, Rizal.

Naging makabuluhan at masaya ang mga aktibidad ng kabuuan ng team building, ito ay sa kabila ng masungit na panahon. Bago umalis ang lahat papunta sa venue ay nagsimula na ang palaro sa pamamagitan ng pagbuo ng puzzle ng bawat team. Nagkaroon ng tatlong (3) stop-over sa kabuuan ng paglalakbay papunta sa venue na mala-amazing race. Unang stop-over ay sa Marikina River Bank, dito ay kailangan nilang mahanap ang clue para sa susunod nilang destinasyon. Pangalawang stop-over ay sa Palo Alto Water Falls sa Pinugay, Baras, Rizal, kung saan mayroon dapat na tapusing games ang bawat team hanggang sa makuha nila ang clue sa susunod na destinasyon. Pangatlong stop-over ay sa Café Katarina sa Tanay, Rizal, dito ay kumain ng tanghalian at nagpahinga ng kaunti bago tumulak sa huling destinasyon, ang ‘Bahay Bakasyunan’ ang venue kung saan itutuloy ang mga natitirang laro ng team building. Bago pasimulan ang natitirang mga laro ang limang team (Blue, Yellow, Red, Green, at Violet Team) ay nagpakita ng talento sa kani-kanilang cheering presentation. Sa pagtatapos ng araw bago sinimulan ang fellowship night, ang lahat ay nagsalu-salo sa inihandang hapunan. Nagkaroon ng lang inihandang sayaw mula sa mga bagong empleyado at awarding ng nagwagi sa team building activity, kung saan ito ay nasungkit ng violet team. Sa kabuuan, naging masaya at makabuluhan ang team building activity.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •