Senior Members' Day - "Pasasalamat sa mga Lolo at Lola"

Naging matagumpay ang ginanap na Manatal Coop: Seniors Member Day 2015 noong ika-18 ng Disyembre sa Ron Pavilion. Nagsimula ang programa ng alas-7:00 ng umaga. Nilahukan ito ng piling myembro na nasa edad 60 pataas.

Isinagawa ang palatuntunan na may temang " Pasasalamat sa mga Lolo at Lola" sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para ang lahat ng mga Seniors na myembro ng kooperatiba at sa pagbibigay sa kanila ng mga serbisyo gaya ng Medical, Optical, FBS, Haircut at Manicure/Pedicure. Nagsagawa din ng kaunting palaro at raffle draw upang mapasaya ang mga nagsidalo. Nagkaroon din ng kantahan na nilahukan ng ilan sa mga Seniors at mga empleyado ng Manatal Coop. Sa huli, mababakas sa mga ngiti ng mga Seniors ang tuwa at saya na dulot ng magandang kaganapan sa nasabing programa na pinagsumikapang ihanda ng Community Development Committee, sa pangunguna ni Director Cresencio "Cris" Marquez at ilang empleyado ng Manatal Coop.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •