4th Member-Customer's Day

Naging matagumpay ang katatapos palang na 4th Member-Customer Day ng mga businesses ng Manatal Coop nitong Miyerkules (Disyembre 09, 2015) na nilahukan ng mga top member-customer ng tatlong businesses (Manatal Hardware Supply, Manatal Feeds and Agri-supply at Manatal Feed Mill).

Nagsimula ang palatuntunan ng 1:30 PM sa isang maikling panalangin at matapos nito, sa pangunguna ng ilan sa mga kawani at empleyado sa businesses kabilang sina Sir Edward Marquez (Hardware Supply Head), Mrs. Aida Zuñiga (Feeds and Agri Supply Head) at Sir Archie Sta. Ana (FeedMill Head) na naging mga emcee at audio ng palatuntunan, sa tulong na din ng iba nilang tauhan, ay pinasaya nila at sinerbisyuhan ang mga nagsidalo. Matapos nito, nagbigay ng kanyang mensahe sina Chairperson Eric F. Dizon, Vice-Chairperson Carlito Castro at OIC Maria Cristina Feliciano. Nagkaroon ng presentasyon sa mga nakalipas na Member-Customer Day at maging ang mga testimonya ng tagumpay ng ilang mga miyembrong nagsumikap at natulungan ng Manatal Coop. Bukod dito naghandog ng isang naka-kaaliw na awitin si G. Edward Marquez (Sir Eggy). Nagbahagi din ng kanilang galing ang tatlong empleyado ng Manatal Coop sa kanilang Interpretative dance sa saliw ng kantang: "Mahal ko o Mahal ako" ni KZ Tandingan. Nagkaroon din ng open forum para sa mga miyembrong may tanong tungkol sa pagbababoy at sa paggamit ng kahoy bilang pambuo ng mga istruktura. At, sa huli ang isa sa mga inabangan ng mga nagsidalo, nagkaroon ng raffle draw para sa papremyong inihanda ng mga businesses ng Manatal Coop bilang pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng mga butihing miyembro. Naging isang mapagpalang araw ang nasabing palatuntunan

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •