8th Annual Hog Raiser's Day

Hog Raiser banner

Noong ika-20 ng Enero 2016 ginanap ang 8th Hog Raiser's Day bilang pagkilala sa kasipagan at malaking ambag ng mga hog raisers na miyembro ng Manatal Coop sa pag-unlad ng industriya ng paghahayupan.

Nagsimula ang palatuntunan bandang alas 2:30PM ng hapon sa pamamagitan ng isang maikling panalangin. Sinundan ito ng maikling mensahe mula kay Chairperson Eric F. Dizon, Vice-Chairperson Carlito Castro, at Dir. Estelito Cabuhat. Namigay din ng mga libreng Manatal Primer (ang librong ginawa ng Manatal Coop para sa mga nagsisipag-alaga at may planong mag-alaga ng baboy bilang hanapbuhay). Sa pagpapatuloy ng programa na pinangunahan ng mga bumubuo sa Manatal TSM, naghandog ng isang pampasiglang bilang ang mga kababaihang tauhan mula sa TSM. Ito ay sinundan ng Raffle Draw at mga palaro para sa mga nagsipagdalo sa okasyon. Humigit sa 50 hog raisers ang nagbaon ng tuwa at saya sa kanilang mga labi dahil sa mga palaro at Raffle Draw. Naghandog din ng sayaw ang mga kalalakihang tauhan ng TSM at ang "trio" na nagpakilig at nagpatuwa sa mga dumalo na nagbigay buhay sa kantang "Mahal Ko o Mahal Ako ni KZ Tandingan", ang CI na si Ricky, collector na si Frederick at ang Collection Associate na si Jimboy. Hindi matatawaran ang saya at ligaya na dala ng okasyon na naganap sa araw na iyon. Uwi ng mga nagsidalo ang ngiti sa kanilang labi at mga papremyong handog ng Manatal Coop.

 

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •