Sa kabila ng malakas na ulan at malamig na panahon ay naghandog tayo ng isang Outreach Program sa Bahay Pangarap Women's Center Foundation, Inc. sa Tabe, Guiguinto, Bulacan ngayong araw, June 28, 2019. Mainit naman nilang tinanggap ang mga libreng serbisyong inihatid ng MANATAL COOP para sa kanila tulad ng Medical Mission, Optical Mission at Dental Mission. Nagbigay rin tayo ng simpleng merienda na pinagsaluhan at ang lahat ay tiyak na matutuwa sa mga dinala nating mga pagkaing pang-umagahan para sa kanilang araw-araw na pangangailangan.