DSC 0296
Officers & Staffs' Team Building::September 15-16, 2017
______________________________________________________
"One Team! One Goal! For the MMPC!" Iyan ang sigaw ng bawat isa taglay ang pagkakaisa.

Taon-taon kapanapanabik at inaabangan ng mga staff ang ANNUAL TEAM BUILDING. Sa taong ito, ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Shercon Resort and Ecology Park, sa lalawigan ng Batangas.

LAYUNIN:  Patibayin ang samahan at tiwala sa isa't-isa. Good communication sa pagitan ng mga empleyado at i-boost ang self confident ng bawat staff.

AKTIBIDAD:  Palaging exciting at kakaiba ang Team Building kada taon. Isa sa kapanapanabik sa taong ito ay ang zipline at rappelling na pangunahin features sa nasabing resort. May field at water activity na lalong nagpaganda sa laban ng bawat team. Maroon ding maze na ikinatuwa ng lahat.   Masaya ang lahat sa pagtatapos ng Team Building. May baon na naman silang masasayang alaala bilang isang MMPCian!