001Officers and Staffs' Funday 2018::January 27, 2018 ______________________________________________________
Mababakas sa lahat ng mga empleyado at kawani ng Manatal Coop ang saya mula sa pagdiriwang ng taunang Officers and Staff Fun Day...

Ito ay ginanap noong ika-27 ng Enero 2018 na may temang “High School Musical: High School Fever Stays With You Forever!” kung saan ang lahat ng mga empleyado at kawani ay nagsuot ng High School uniform.

Ang lahat ng mga empleyado ay aktibong sumali sa mga palaro at sorpresang inihanda para sa kanila. Gayundin ang mga kawani ay game na lumahok kahit pa sila ay napagtawanan. Ang lahat ng mga empleyado ay grinupo sa lima at inimbitahan ding magpamalas ng kanilang natatagong talento. Nagbigay rin ng award para sa ilang mga empleyado at kawani na may nakakatuwang katangian. Marami rin ang ipinamigay na raffle prizes, grocery give aways at souvenir jacket kung saan ang bawat isa ay nakapag-uwi.

Sa kabuuan, ang buong programa ay napuno ng masasayang mga palaro, sorpresa, papremyo, pagkain, paligsahan ng talento, give aways at souvenirs. Higit sa lahat, ito ay nag-iwan ng ngiti sa kanilang mga labi at ala-ala ng isang araw na puno lamang ng kasiyahan.