001Youth Camp 2018::March 23, 2018 ______________________________________________________
Masayang ginanap ang Manatal Coop Youth Camp 2018 mula March 23 ng hapon hanggang March 24 ng umaga. Nilahukan ito ng 88 na kabataan mula sa iba't ibang paaralan dito sa Pandi.

Nagkaroon ng iba't ibang mga palaro at programa kung saan hindi lamang sila nasiyahan, nag-uwi rin sila ng mga leksyon na maaari nilang magamit sa buhay bilang mga susunod na mamumuno sa ating bayan. Nag-imbita rin ng ilang Inspirational Speaker na nagbigay daan upang mabuksan ang kanilang isipan ukol sa pagnenegosyo at pagkilala sa sariling kakayahan upang maging matagumpay. Nagsagawa rin ng bon fire kung saan nagkaroon ng kaunting sharing upang mas makilala ng mga lumahok ang bawat isa. Kinaumagahan ay nagkaroon ng Zumba na masiglang nilahukan ng mga kabataan.

Magandang ngayon pa lamang ay ma-empower na ang mga pag-asa ng ating bayan!