• 28th General Assembly

    Theme: "Creating a Better Community”Read more
  • 30th Foundation Day Celebration

    Theme: "Standing the test of time, strengthened like the layers of Pearl"
  • Chairperson's Corner

    "Year on year, students present to their parents the result of their efforts during the past school year reflected on their class grades...Read more
  • Our History

    Read more
  • Our Core Values

    Character, Honesty, Alertness, Reliability, Accountability, Care for others, Transparency, Equity and ResponsibilityRead more

001General Assembly 2018::April 07, 2018 ______________________________________________________
Isang masaya at makabuluhang araw ito para sa lahat ng myembro at isang paraan na rin upang pasalamatan ang ating mga very supportive members at mga 'certified kamay-ari'.

Noong ika-7 ng Abril 2018, ginanap ang ika-27 Pangkalahatang Pagpupulong ng mga myembro ng Manatal Multi-Purpose Cooperative. Ito ay ginanap sa Manatal Coop Empowerment Center Main Complex na dinaluhan ng halos apat na libong mga myembro. Hindi pa kasama rito ang non-members na nag-obserba sa ginanap na GA2018.

Nagpasimula ang pagpapatala ng mga kasaping imbitado na dumalo sa ika-27 taunang pangkalahatang pagpupulong ng mga kasapi ng Manatal Multi-Purpose Cooperative (Manatal Coop) sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.

Sa oras na 10:24 ng umaga ng inumpisahan ang programa. Ang mga naging guro ng palatuntunan ay sina Gng. Ma. Estela Santos, G. Ricardo Trinidad Jr., Gng. Aida Zuniga, at Gng. Leah Gumasing. Nanguna sa panalangin si Gng. Santos at sinundan ito ng pag-awit ng Lupang Hinirang.

Ang tema para sa ika-27 Pangkalahatang Pagpupulong ay ‘Manatal Coop: Working as One for Another Milestone’. Nagpasimula ang pagpupulong nang banggitin ng kalihim ng Patnugutan na sa mga oras na iyon ay nasa 50% na ng mga kasaping maaaring bumoto (members entitled to vote o Regular MIGS) ang nakapagpatala na. Umabot sa 2,786 mula sa 4,052 MIGS (68.76%) ang kabuuang nakapagtala sa araw ng pagpupulong.

Itinanong ni G. Eric Dizon sa mga kasapi kung magtatalaga ba uli ng mga Floor Leaders upang maging sistematiko ang pagtatanong at pagbabahagi ng saloobin ng mga Regular Members in Good Standing. Itinanong din niya kung maglalagay ba ng limit sa oras para sa mga kasaping papayagang magtanong. Itinalaga sina G. Ricardo Trinidad Jr., Gng. Ma. Estela Santos, G. Proceso Sta. Ana, at Gng. Maria Lourdes Legaspi bilang mga floor leaders.

Inihain din ni G. Dizon ang tala ng mga pag-uusapan batay sa 2017 Annual Report. Ito ay ang pagbasa ng katitikan ng nakaraang pagpupulong, pag-uulat ng mga officers, Pasya/mga naging aksyon ng Patnugutan, 2018 Business Plan, 2018 Proposed Budget, Panukalang amyenda sa Articles of Cooperation at By-Laws, Pag-apruba ng 2017 Audited Financial Statements, pagtatalaga ng External Auditor, at Pagproklama ng mga bagong halal na officers, pati na rin ang raffle for members.

Ginanap ang eleksyon sa opisina ng Manatal Coop at mga branches noong Marso 1-15, 2018 batay sa GA Resolution No. 21 – 4/8/2017 at higit sa 10% ng MIGS ang nakaboto sa naturang eleksyon. Ang mga nanalo ay sa iba’t ibang posisyon ay ang mga sumusunod:

  • Lupon ng Patnugutan: Eric F. Dizon, Carlito S. Castro, Cresencio C. Marquez
  • Lupon ng Pagsisiyasat: Maria Lourdes S. Legaspi, Florante C. Victoria
  • Lupon ng Halalan: Ma. Estela T. Santos, Oscar G. Flores

Tinanggap ng buong kasapian ang resulta ng naging halalan.

Bago magtapos ang programa ay nagbigay ng kanyang mensahe ang kasalukuyang Punong Bayan ng Pandi na si Igg. Celestino Marquez.

Binigyan ng Plaque of Appreciation bilang Tagapangulo ang mga dati at kasalukuyang Tagapangulo ng Manatal Coop na sina G. Celestino Marquez, G. Felipe Sta. Ana, G. Alejandro Miranda, G. Laureano Feliciano, ang yumaong si G. Eliseo Sta. Ana at ang naging General Manager at kasalukuyang Patnugot na si G. Estelito Cabuhat. Binigyan din ng pagkilala si G. Eric Dizon.

Binigyan din ng pagkilala ang mga naging at kasalukuyang Officer-in-Charge ng Manatal Coop na sina Gng. Maria Cristina Feliciano at G. Jemuel Feliciano, kasama ang mga kasalukuyang Branch Heads na si G. Benjamin Feliciano at Gng. Leah Gumasing.

News & Announcements

Properties For Sale

Vehicle For Sale

chairpercorner

Affiliations

  • accu.png
  • aub.png
  • bdo.png
  • bpi.png
  • china.png
  • landbank.png
  • mscb.png
  • pfcco.png
  • pnb.png
  • rcbc.png
  • woccu.png

mission2

visionfinal

core

historyfinal

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •