00127th Foundation Day::August 25, 2018 ______________________________________________________
Masayang ipinagdiwang ng mga members at non-members ang 27th Foundation Day ng Manatal Coop.

Ito ay sinimulan ng Motorcade paikot sa mga barangay dito sa Bayan ng Pandi.

Sa pagsisimula ng programa ay nagbigay tayo ng mga libreng serbisyong medikal tulad ng Diagnostic Tests (Blood Chem, Urinalysis, ECG) at X-Ray, Medical Mission, Dental Mission at Optical Mission. Kaugnay nito ay nagpamigay din tayo ng libreng mga reading glasses sa mga edad 40 at pataas at mga libreng gamot at vitamins na inireseta ng mga volunteer Doctors.

Nagbigay rin tayo ng mga libreng wellness services tulad Eyebrow Threading, Haircut, Massage, Manicure/Pedicure at Foot Spa.

Bukod sa mga libreng serbisyo ay marami rin ang nag-enjoy sa ating programa at mga palaro. Ganoon na rin sa mga nanalo sa ating Raffle Prizes.

Nagbigay din tayo ng magandang oportunidad sa mga Small and Medium Enterprises na maipakita ang kanilang iba't-ibang produkto at serbisyo sa paglalagay nila ng kanilang booth.

Sa kabuuan ay talagang nag-enjoy ang lahat at nasiyahan sa ating ginanap na pagdiriwang..