cleanupdrive
Clean Up Drive::October 27, 2016, Thursday
______________________________________________________
Panatilihin ang Kalinisan - Iyan ang adhikain ng Manatal Coop sa isinagawang Clean Up Drive sa Brgy. Manatal, Pandi.

Bago pa sumikat ang araw, nagtipon-tipon na agad ang mga kasamang opisyal at kawani ng Manatal Coop upang isagawa ang isang Cleap-Up Drive sa Brgy. Manatal, Pandi. Ang layunin nito ay ipakitang napakahalaga ng pagpapanatili ng kalinisan sa lugar at maiwasan ang ilang uri ng sakit. Sinimulan ang paglilinis sa kahabaan ng Manatal-Bagbaguin Road. Bagaman pagod, masaya ang lahat na pagtutulungan para sa kalikasan. Natapos ang gawain bago mananghali.