Ang ilang mga Miyembro at Empleyado ng Manatal Coop ay nagsagawa ng Lakbay aral sa Windmill Piggery Farm ukol sa Organic Agriculture Production and Utilization.
Naging magandang oportunidad ito upang mas linangin ang kanilang kaisipan sa pagtatanim ng iba't ibang mga gulay gayundin ang pag-aalaga ng iba't ibang mga hayop.
Sila rin ay naglibot sa farm kung saan makikita ang mga naglalakihang bunga at mga malulusog na mga alagang hayop.