001Laborer's Day::August 01, 2019 ______________________________________________________
Masayang ginanap kahapon, August 01, 2019, sa Manatal Coop Empowerment Center ang kauna-unahang Laborer's Day sa pangunguna ng ating Hardware Supply Store. Iba't ibang kumpanya ang nagsponsor at nagbigay rin ng mga makabagong kaalaman tungkol sa mga produktong pangkonstruksyon. Kaya naman ang lahat ng mga dumalo sa ating munting programa ay nag-uwi ng kaalaman, kagamitan at kasiyahan.