001Medical Mission at Brgy. Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan::September 21, 2019 ______________________________________________________
Ang MANATAL COOP ay nakapaghatid ng isang Medical Mission sa Brgy. Pulong Gubat noong nakaraang Sabado, September 21, 2019, sa higit isandaan nilang mga mamamayan.


Nagkaroon ng Optical Mission, Medical Mission at Dental Mission at mga libreng gamot at vitamins. Naging isa itong magandang halimbawa ng pagtutulungan ng ating Kooperatiba at ng Komunidad para sa pagsusulong ng mas malusog na pamumuhay at pangkalahatang kagalingan.