PMES - Timoteo Policarpio Memorial Elementary School :: January 13, 2023 ______________________________________________________
Noong January 13, 2023, ang Manatal Coop, sa pangunguna ng Education Committee ay nagsagawa ng Pre-Membership Education Seminar (PMES), upang mahikayat ang mga guro ng Timoteo Policarpio Memorial Elementary School sa Barangay Minuyan, Norzagaray na magpamyembro sa ating Kooperatiba . Dito ay pinag-usapan kung ano ang mga serbisyo, produkto, at benipisyo na matatanggap ng isang myembro at iba pang kaalaman tungkol sa ating Kooperatiba.