32nd Foundation Day :: August 26, 2023 ______________________________________________________
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 32nd Foundation Day ng Manatal Coop na may temang "Empowering People Through Care", ang Manatal Coop ay nagbigay ng libreng Medical Services at Wellness Services hindi lamang sa myembro nito kundi pati sa mga hindi myembro ng ating Kooperatiba noong August 26, 2023. Bukod dito ay nagsagawa rin Outreach Program ang ating Kooperatiba sa ilang institusyon na nagbibigay tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan. Nagkaroon rin tayo ng Ground Breaking Ceremony sa itatayong Manatal Development Center at Street Light sa Baranggay ng Manatal.