Coop Month 2023 - Grand Parade :: September 27, 2023 ______________________________________________________
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba na may temang "GO KOOP:EMPOWERING COOPERATIVES" ang Manatal Coop ay sumama sa ginanap na Parada ng mga Kooperatiba ng Bulacan na bahagi ng Kick Off Ceremony ng Buwan ng Kooperatiba na ginanap noong September 27, 2023 sa Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan. Dito ay nagsagawa rin ng Signing of Cooperative Multi-Stakeholders and Enablers at ang paglulunsad ng GO-KOOP Program na may layunin na maisulong pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Kooperatiba para sa ikauunlad ng bawat isa at ng komunidad.