Tree Planting Project 2023 :: September 28, 2023 ______________________________________________________
Upang maipakita ang pagpapahalaga ng mga Kooperatiba sa ating kalikasan, ang Manatal Coop sa pangunguna ng Gender And Development Committee ay nagsagawa ng Tree Planting Project noong September 28, 2023 sa Bunsuran 2nd, Pandi, Bulacan. Ito ay nilahukan ng mga Officers at Staffs ng Manatal Coop, Municipal Cooperative Development Council ng Pandi, LGU Pandi, Manatal Coop Scholars at Batch 1 & 2 ng Magsasakang Asensado Program. Kasabay nito ay ang pagtatapos ng Water Way Clean Up Project at pag turn-over nito sa mga Barangay na nakakasakop rito upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa nasabing water way.