25th Foundation Day Celebration - Norzagaray Branch 

DSC 0667Bagamat masama ang panahon walang nakapigil sa mga opisyal, kawani at mga volunteers na magsagawa ng kauna-unahang pagdiriwang sa Norzagaray Branch bukod sa karaniwang pagdiriwang sa Main Branch ng "25th Foundation Day" ng Manatal Coop. Ito ay ginanap noong ika-13 ng Agosto 2016.

Nilahukan ito ng mga piling empleyado ng Manatal Coop kasama ang mga opisyal ng BOD at ng Officers ng mga Committee.

            Maagang nagsimula ang programa subalit dahil sa matinding sama ng panahon ay kaunti lamang ang nagsisipunta sa mga libreng serbisyo na handog ng kooperatiba. DSC 0766
Ngunit hindi natinag ang adhikain ng mga nagboluntaryo sa araw na iyon. Bandang ika-7:00 ng umaga ay may pailan-ilan ng nagparehistro. Sa ganung oras din dumating ang mga haircutters, manicurists, therapists, mga doctor at mga nurse. Upang magbigay buhay sa programa ay makailang ulit din na pinatugtog ang opisyal na coop jingle ng Manatal Coop. At upang magpasinaya ng programa, magiliw na nag-emcee sila Mrs. Leah Gumasing (Branch Manager ng Manatal Coop Sta. Maria Branch) at si Mr. Ricky Trinidad (Member ng Foundation Commitee).

            Ganap na ika-8:00 ng umaga ay nagbigay ng nakabubusog na meryenda ang mga boluntaryo para sa dumalo sa nasabing pagdiriwang at sa ganap na ika-9:00 ng umaga ay dumagsa ang mga tao sa pagbuti ng panahon. Karamihan sa mga nagsidalo ay mga miyembro at ang iba ay residente sa lugar. Ang mga serbisyong naibigay sa araw na iyon ay libreng Medical Consultation, libreng gamot, libreng salamin at Optical Consultation, libreng bunot (DENTAL), libreng gupit, DSC 0738
masahe at manicure at pedicure. Bukod sa mga libreng serbisyo ay nagbigay din ng stub para sa raffle. Binunot ang mga numero na dala ng mga nagsidalo at ang bawat nabunot ay nag-uwi ng mga papremyo.DSC 0779

            Dahil sa naka-schedule na kalahating araw lamang ang pagdiriwang ay natapos ang programa ng tanghali subalit naging matagumpay naman selebrasyon dahil bakas sa mga nagsidalo ang kaligayahang dala ng mga libreng serbisyo at mga papremyo sa pagdiriwang ng ika-25 taon ng Manatal Coop.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •