Fun Bike 2016

DSC 0405

Sa kabila ng masamang panahon tuloy pa rin ang isinagawang FUN BIKE RIDE bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 taon anibersaryo ng Manatal Multi-Purpose Cooperative noong ika-19 ng Agosto taong kasalukuyan.

Nilahukan ito ng ilang empleyado, mga inimbitang personalidad at mga kaibigan dala ang kani-kanilang mga bisikleta.DSC 0100
Nagsimula ang FUN BIKE RIDE bandang ika-6:00 ng umaga matapos magparehistro. Bagamat may kalat-kalat na pag-ulan ay itinuloy pa rin ng mga nagsipunta ang pagpadyak bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kooperatiba. Ilan sa mga naki-padyak ay sina Mayor Tinoy Marquez, ang Ama ng Bayan ng Pandi, DSC 0218Konsehal Henry Marquez, Director Cresencio Marquez, Sir Eleazar "Archie" Sta. Ana, na nakatoka sa FUN BIKE RIDE at ilang empleyado ng Manatal Coop.
Ang naging ruta ng nasabing BIKE FUN RIDE ay mula sa gusali ng Manatal Coop papuntang Malibong Bata at Malibong Matanda hanggang sa Bunsuran kasunod ay sa Pandi na umikot sa Pasong Kalabaw lumabas Masagana tumuloy sa kanto ng Bunsuran 3rdDSC 0393
at pabalik sa gusali ng Manatal Coop. Natapos ng mga lumahok ang ruta bang ika-8:00 ng umaga. Bilang bahagi ng event, nagpakain ng lugaw at cupcake ang komite na nagsagawa ng FUN BIKE RIDE.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •