25th Foundation Day Celebration - Motorcade 2016

DSC 0103

Tirik ang araw noong magsimula ang isang motorcade na inihanda ng Foundation Committee kasama ang mga Board of Directors, mga opisyal ng mga komite at mga empleyado bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng Manatal Multi-Purpose Cooperative.

Ginanap ito noong ika-19 ng Agosto taong kasalukuyan bandang ika-2:00 ng hapon. Nilahukan ito ng ilang empleyado, mga opisyal at diretor ng board dala ang mga sasakyan na service vehicle ng kooperatiba at ang iba ay mga personal nilang sasakyan. Kabilang sa mga sasakyang dinala ay ang Grandia, Super Grandia,DSC 0224
mga motor, D-MAX, Bus, Pajero, Vios, FB at mga personal na mga sasakayan. Naglagay ng mga lobo at tarpaulin sa mga sasakyan upang ipaalam ang pagdiriwang ng ika-25 taon ng kooperatiba.
Nagsimula ang motorcade sa gusali ng Manatal Coop sa Bunsuran 2nd na tumuloy sa Bunsuran 3rd sinundan ng DSC 0107Bunsuran 1st at dumeretso ng Pandi kumaliwa papuntang Mapulang Lupa binagtas ng grupo ang Brgy. Mapulang at lumiko papuntang Bagong Barrio sinundan ng kalye papuntang Cupang hanggang sa makarating sa hangganan papuntang Masagana. Matapos noon ay lumabas ang grupo sa Bunsuran 3rd at pumasok sa kanto papuntang Manatal. Dumaan ang grupo sa Brgy. Manatal na tumuloy sa Brgy. Bagbaguin, at bumuwelta sa Bagbaguin pabalik sa Manatal at bumalik sa Bunsuran 2nd DSC 0069hanggang makarating muli sa gusali ng kooperatiba. Habang nasa daan ay pinatugtog ang opisyal na jngle ng kooperatiba at nagpamigay ng mga kendi ang mga kasama sa nasabing motorcade.  Kasama sa nasabing motorcade ang patrol mobile ng Brgy. Manatal. Bawat sumama sa motorcade ay nagkaroon ng kaunting pagkaen para sa meryenda. Natapos ang motorcade bandang ika-3:30 ng hapon. At naghanda na para sa susunod na event na Grand Zumba.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •