25th Foundation Day Celebration - Grand Zumba

DSC 0249

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at bilang pakikiisa sa layuning maiangat ang produktibidad ng mga empleyado at ng komunidad ay naglunsad ang Manatal Coop Foundation Committee ng isang Grand Zumba Event na bukas para sa empleyado, mga miyembro at hindi mga miyembro.

Ginanap ito noong ika-19 ng Agosto taong kasalukuyan sa Manatal Empowerment Center. Marami sa mga lumahok ay nakasuot ng kanilang pang-zumba. Binuksan ang registration sa ika-5:00 ng hapon at sinimulan ang event bandang ika-6:00 ng hapon. Dinagsa ng mga parokyano ng zumba ang Empowerment Center. DSC 0273
Marami sa mga dumating ay mga tinuturuan ng mga instructor na kinuha ng Foundation Committee sa pangunguna ni Sir Ricardo Trinidad na nakatoka sa Grand Zumba. Maging ang ilan sa mga empleyado ay nakiisa sa Grand Zumba. Inayos din ang venue na makikita ang live streaming ng mga nangyayari sa harap ng stage sa isang projector display. DSC 0247
Nabuhay ang dugo ng mga dumalo nang magsimulang tumugtog ng mga musikang siguradong mapapaindak ang sinuman. Malaking bagay din ang nasabing Grand Zumba dahil bahagyang napawi ang stress ng mga empleyado na nakilahok sa event. Tagaktak ang pawis ng mga nag-zumba sa simula pa lamang ng ehersisyo. Bandang ika-7:00 ng gabi may pailan-ilan na huminto para uminom ng tubig at ang iba ay nanood na lang muna upang makapagpahinga. Ganap na ika-7:30 ng gabi ay marami sa mga dumalo ay umuwi subalit patuloy pa rin ang ilan sa pagzuzumba at may iba naman na humabol sa nasabing Grand Zumba. Ika-8:00 ng gabi ng matapos ang event at umuwi ang mga nagsidalo na baon hindi lang ang malusog na pangangatawan kundi pati ang mga ngiti sa kanilang labi dulot ng saya sa nasabing event.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •