25th Foundation Day - Sta. Maria Branch

DSC 0120

Bagamat masama ang panahon dahil sa panaka-nakang pag-ulan hindi napigil ang mga opisyal, kawani at mga volunteers na magsagawa ng kauna-unahang pagdiriwang sa Sta. Maria Branch na katulad ng Norzagaray Branch na nagdiwang noong ika-13 ng Agosto bukod sa karaniwang pagdiriwang sa Main Branch para sa "25th Foundation Day" ng Manatal Coop.

DSC 0080Ito ay ginanap noong ika-27 ng Agosto 2016. Ginanap ang pagdiriwang sa Grace of Shekinah School Sta. Maria, Bulacan. Nilahukan ito ng mga piling empleyado ng Manatal Coop kasama ang mga opisyal ng BOD at ng Officers ng mga Committee. Maagang nagsimula ang programa subalit dahil sa matinding sama ng panahon ay kaunti lamang ang nagsisipunta sa mga libreng serbisyo na handog ng kooperatiba.DSC 0053Ngunit hindi natinag ang adhikain ng mga nagboluntaryo sa araw na iyon. Bandang ika-7:00 ng umaga ay may pailan-ilan ng nagparehistro. Sa ganung oras din dumating ang mga haircutters, manicurists, therapists, mga doctor at mga nurse. Upang magbigay buhay sa programa ay makailang ulit din na pinatugtog ang opisyal na coop jingle ng Manatal Coop. At upang magpasinaya ng programa, magiliw na nag-emcee sila Mrs. Leah Gumasing (Branch Manager ng Manatal Coop Sta. Maria Branch) at si Mr. Ricky Trinidad (Member ng Foundation Commitee). Ganap na ika-8:00 ng umaga ay nagbigay ng nakabubusog na almusal ang mga boluntaryo para sa dumalo sa nasabing pagdiriwang at sa ganap na ika-9:00 ng umaga ay dumagsa ang mga tao sa pagbuti ng panahon. Ang mga nagsidalo ay mga miyembrong nagparehistro bago pa man ang event. Ang mga serbisyong naibigay sa araw na iyon ay libreng Medical Consultation, libreng gamot, libreng salamin at Optical ConsultationDSC 0055
, libreng bunot (DENTAL), libreng gupit, masahe at manicure at pedicure. Bukod sa mga libreng serbisyo ay nagbigay din ng stub para sa raffle. Binunot ang mga numero na dala ng mga nagsidalo at ang bawat nabunot ay nag-uwi ng mga papremyo. May survey form din na ibinigay at makailang ulit na bumunot ng survey form para basahin sila Ma'am Leah at Sir Ricky. Ang mga miyembrong nabunot na ang survey form ay nagkaroon din ng papremyo.

Dahil sa naka-schedule na kalahating araw lamang ang pagdiriwang ay natapos ang programa ng tanghali subalit naging matagumpay naman selebrasyon dahil bakas sa mga nagsidalo ang kaligayahang dala ng mga libreng serbisyo at mga papremyo sa pagdiriwang ng ika-25 taon ng Manatal Coop.

  

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •