Team Building 2016 "Working as One For The Good of Many!"

DSC 0814

Upang patuloy na maging matatag ang relasyon at magkaroon ng mas matibay na samahan ang mga empleyado at opisyal ng Manatal Coop ay idinaos muli ang Officers and Staff Team Building. Ito ay nilahukan ng mga opisyal at regular na empleyado ng Manatal Coop. Ito ay ginanap noong ika-16 at 17 ng Setyembre taong kasalukuyan. Para sa taong ito ay apat na team ang nabuo. Ito ay ang BLUE TEAM, GREEN TEAM, RED TEAM at PURPLE TEAM.

Nagsimula ang Team Building sa isang activity na sumubok hindi lang ng utak ng mga grupo kundi pati ang pasensya ng bawat isa. Sa umpisa ay kailangang bilangin ng bawat grupo kung ilang parisukat ang makikita sa larawan na naka-imprenta. Para sa unang activity nanguna ang GREEN TEAM na makakuha ng tamang sagot at makapagpost sa FB. DSC 0532
Sinundan sila ng RED TEAM, PURPLE TEAM, at ang huli ay ang BLUE TEAM. Pagkatapos ng unang activity ay inabot na ng facilitator ang sumunod na activity at ito ay ang hand formation na
  kailangan mabuo at makuhanan ng picture. Para sa ikalawang activity nanguna ang grupo ng GREEN TEAM na makatapos ng hand formation at makapag-post ng picture sa FB. Sinundan sila ng BLUE TEAM, sunod ang RED TEAM at ang panghuli ay ang PURPLE TEAM.

                Nang matapos ang bawat grupo ay nakasakay na sila sa kani-kanilang Vehicle assignment. Para sa ikalawang yugto ng gawain, ibinigay na ng facilitator ang susunod na task. Ang activity no. 3 ay isang mind-game kung saan kailangang masagot ng bawat grupo ang 12 tanong ng tama upang makuha ang susunod na clue. Ang lahat ng tanong na nasagot ng bawat grupo ay may kaukulang LETRA na ibinigay ng facilitator upang mabuo ang susunod na clue. Lahat ng grupo ay nakatapos sa sumunod na challenge, ang iba sa mga grupo ay gumamit ng mga clue na nagkakahalaga ng 100.00, ang iba naman ay sumubok na magbigay ng mga sagot ngunit bawat maling sagot ay may kaukulang 200.00 bilang penalty. Nang masagot ang lahat ng mga tanong, natuklasan ng mga grupo na may nakatagong clue sa loob ng sasakyan na nakalagay sa mga seat number na nakalagay sa clue na kanilang nabuo. Dalawa sa mga grupo ay sa Jollibee Marcos Highway ang sumunod na destinasyon at ang natitirang dalawang grupo ay sa MC Donalds naman ang destinasyon kung saan gagawin  nila ang susunod na challenge.

                Nang marating ng mga grupo ang sumunod na STOP, ginawa na nila kaagad ang sumunod na task. DSC 0784
Ang ilan sa mga grupo ay nalito at hindi nagawa ng tama ang instruction sa papel na kanilang hawak. Para sa susunod na task, kailangang kausapin ng representante ng grupo ang manager ng Food Establishment na kanilang assignment at kailangan din nilang magsama ng isa pang tauhan upang gawin ang isa sa mga patok na laro sa kasalukuyan na PAK-Ganern! ng limang ulit at i-video record ang task. Para sa challenge na ito nanguna ang BLUE TEAM na makatapos, sinundan sila ng PURPLE TEAM at dahil sa hindi nasunod ang instruction ay nag-TIE ang RED TEAM at GREEN TEAM sa ikatlong pwesto.

                Kasabay ng challenge sa PAK-Ganern ay kailangan bumili ng isang miyembro ng bawat TEAM ng meal na may kabuuang halaga na hindi bababa sa Php 500.00 at hindi lalagpas sa Php 1,000.00 at kailangan na ang bibilhing pagkaen ay mapaghahatian ng lahat ng miyembro ng kada grupo. Para sa

challenge na ito nanguna naman ang GREEN TEAM, sinundan ng RED TEAM, sumunod ang BLUE TEAM, at huli ang PURPLE TEAM. Nang matapos ang task sa Food Establishment ay nakuha na mula sa manager ang sumunod na destinasyon ng mga grupo.

                Para sa sumunod na task kailangang makita ng bawat grupo ang isang fruit stand sa KM 30 along Marikina-Antipolo Highway. Sa pagkakataong ito unang nakarating ang grupo ng VIOLET at BLUE TEAM dahil ang dalawang naunang grupo ay lumampas sa lugar. Sa fruit stand kailangan naman ng representante ng bawat grupo ay makabili ng mga prutas ayon sa deskripsyon na nakalagay sa kanilang papel. DSC 0579Kailangan din na makuhanan ng video o picture ang pagbili ng prutas upang mairecord. Para sa task na ito nanguna ang PURPLE TEAM, sinundan ng GREEN TEAM, sumunod ay BLUE TEAM at huli ang RED TEAM. Nang matapos na ng bawat teams ang kani-kanilang task ay pumunta na sila sa susunod na destinasyon, sa BOSO-BOSO Hignlands Resort and Convention Center kung saan gagawin ang iba pang mga task.

                Nang marating na ng lahat ng teams ang venue ay isang SPIDER-WEB challenge ang sumalubong sa kanila. Para sa challenge na ito kailangang makatawid ang lahat ng miyembro ng mga grupo sa mga butas subalit 3 tao lang mula sa bawat team ang maaaring gumamit ng kada butas. Marami ang nagkagulo at nahirapan sa pagtawid sa SPIDER WEB subalit dahil sa pagsisikap ay matagumpay namang nakatawid ang lahat.

               Matapos ang SPIDER WEB Challenge ay pumasok na ang lahat sa Convention Center para magpahinga at makapagsimula ng programa para sa araw na iyon. Para sa ikalawang taon ng pagiging facilitator sa Manatal Coop Team Building ay sinalubong ni Sir Rico, Sir Ferdie at Ma'am Rachel ang lahat ng grupo ng isang masiglang pananalita. Hiningan din nila ang ilan sa mga empleyado ng reaksyon para sa mga unang challenges. Nakakasiyang mapakinggan na ang lahat ay nagtatawanan at masaya para sa simula ng Team Building. Gayundin, nagpaunlak din si Director Estelito Cabuhat ng isang maikling mensahe na nagpatawa at nakapagbigay inspirasyon para sa bawat isa. Nagpaunlak din si OIC Maria Cristina Feliciano ng isang maikling mensahe para sa mga dumalo sa Team Building.

                Dahil medyo nahapo at inaantok ang mga empleyado at opisyal ng Manatal Coop ay namili si Sir Rico ng apat na kakatawan sa bawat kulay ng grupo na silang magiging Dance Instructor. Bumuo ng maikling sayaw ang apat na napili at itinuro ito sa iba. Tila ay nagkaroon ng mini-zumba session sa loob ng convention center. DSC 0626
Pagkatapos ng mini-zumba ay hiningan ni Sir Ferdie ang isa sa mga miyembro ng bawat team ng opinyon ukol sa exercise na kanilang ginawa.

                Matapos nito ay dumako na sa major activity ang bawat team at ito ay ang Cheer Leading Competition. Para sa activity na ito ay napili sina Dir. Estelito Cabuhat, Dir. Cris Marquez at Sir Rico bilang judges. Ang unang team na nagpamalas ng galing sa pagpepresent ng kanilang cheer ay ang VIOLET TEAM suot ang kanilang "BIBE Costume". Sumunod na nagpamalas ng kanilang galing ay ang RED TEAM na may kakaibang costume na tila BATANG Bonakid. Hindi rin nagpatalo ang GREEN TEAM na nagpamalas ng kakaibang sigla sa pagchecheer para sa kanilang team. Ang huling team na nagpakitang-gilas ay ang BLUE TEAM sa pangunguna ng kanilang Team Leader na si Ms. Jean Marie.  Ipinakita ng BLUE TEAM ang angas ng mga naka-asul at ang pagiging malikhain sa pagbibigay sa mga manunuod.

               

                Matapos ang Cheer Leading Competition nanaig ang BLUE Team na nanguna sa ranking, sinundan ng sinundan ng RED at GREEN Team na nag-tie sa pangalawang pwesto at nasa ikatlong pwesto naman ang PURPLE Team. Matapos ang awarding ng nanalo para sa cheer leading competition ay nagkaroon ng isang mini-thumb fight competition ang bawat team.

                Pagkatapos ng event sa loob ng convention ay lumabas ang lahat para sa susunod na mga event na gagawin ng bawat grupo. Para sa unang task, ang ginawa ng bawat team ay tinatawag na bamboo relay. Kailangang mailipat ng bawat isa sa grupo ang hawak nilang kawayan sa kasamahan nila sa isang panig at makuha ang kawayan ng kabilang panig. Nanguna dito ang Green Team, sinundan ng Purple Team, ikatlo ang Red Team at ikaapat ang Blue Team na bahagyang nahirapan na matapos ang task. Sunod na task ay ang hula hoop challenge. DSC 0703Para sa hula hoop challenge, kailangan naman ng bawat team na maiikot sa kanilang katawan ang isang hula hoop at mailipat ito sa kanilang kasamahan. Nanguna naman para sa ikalawang activity ay ang Red Team, sinundan ng Green Team, ikatlo ang Blue Team at ikaapat ang Blue Team. Ang sumunod na task ay tinatawag na tarpaulin challenge. Para sa tarpaulin challenge kailangan ng bawat grupo na maibaligtad ang tarpaulin habang nakatuntong ang bawat kasapi nito sa mismong tarpaulin. Nanguna sa huling challenge ang Blue Team, sinundan ng Purple Team, ikatlo ang Green Team at ikaapat ang Red Team.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •