Womens Day 2015 - “Equality for Women is Progress For All”

Noong Hulyo 11, 2015 ay ipinagdiwang ng Manatal Coop ang Women’s Day "EQUALITY FOR WOMEN IS PROGRESS FOR ALL." 

Kasama sa programa ang Moms Got Talent kung saan inabangan ang pagpapamalas ng mga ina ng tahanan ng kanilang talento sa pamamagitan ng pagkanta at pagsasayaw. Ang nanalo sa patimpalak na ito ay ang Samahan ng PTA sa Bunsuran 1st Elementary School, pangalawa si Gng. Ma. Annie S. Glorioso na taga-Sta. Cruz, Sta. Maria, Bulacan, at ang pangatlong pwesto naman ay nasungkit ng Brgy. Manatal Senior Citizen Group

Walang umuwing luhaan wika nga sapagkat lahat ng dumalo ay may regalong natanggap sa kanilang pagpaparehistro pa lang bukod pa sa raffle prizes na ang lahat ay nagkaroon, nagpalaro din ng bring me. At higit sa lahat, ang mga dumalo ay naserbisyuhan ng libreng wellness program kasama rito ang manicure/pedicure, body massage, haircut, at foot spa. Mayroon ding libreng medical check-up na may kasamang libreng gamot at vitamins. Ang programa ay naging masaya at matagumpay sa kabila ng maulan na panahon dahil sa habagat at bagyong Egay, ito ay dahil sa sama-samang pakikipagtulungan ng mga empleyado at opisyal ng Manatal Coop.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •