24th Foundation Day - "Sa Kalusugan at Kasiglahan Kaunlaran Makakamtan"

Hindi nahadlangan ng masungit na panahong dulot ng bagyong INENG ang pagdiriwang ng ika-24 na pagkakatatag ng Manatal Multi-Purpose Cooperative noong Agosto 22, 2015.

Tinangkilik pa rin ng mahigit sa limandaang (500) katao, kapwa mga kasapi at hindi kasapi ang okasyon. Kahit na bumubuhos ang ulan ng araw na iyon hindi natigil ang pagbibigay ng serbisyo. Kasama sa mga libreng serbisyong ibinigay ng Manatal Coop ay ;
  • Medical Check-up at Gamot
  • Dental (Bunot ng ngipin)
  • Optical Check-up at Salamin
  • FBS/RBS
  • Haircut
  • Manicure at Pedicure
  • Body Massage
  • Foot Spa mula s ATEC Tech. College, Inc.
Mayroon ding libreng snack at tanghalian ang
lahat ng dumalo. Mayroon ding pampasiglang bilang na inihanda, tulad ng sayaw ng mga empleyado, may kumanta, at banda na lalong nagpasaya sa pagtitipon. Meron ding regalo sa mga dumalo bukod pa sa mga raffle prizes, dahilan para umuwing masaya at nasisiyahan ang lahat.
 
Isa sa adhikain at tunguhin ng Manatal Coop ay ang makatulong sa mga kababayan nating kapos palad. Kaya noong Agosto 16, 2015 ang outreach program ay ini-handog ng ating kooperatiba ang nasa limampung (50) residente / pasyente ng Galilee Home na nasa Doña Remedios Trinidad, Bulacan. Ito ay isang pasilidad na nag-sisilbing tahanan ng mga may edad (matatanda) na walang umaarugang kamag-anak, nagsisilbi rin itong rehabilitation center para sa mga taong nalulong sa masamang bisyo tulad ng droga, sugal, computer games, atbp. Ang Outreach Program ay ekstensyon ng ating Foundation Day, kung saan nagbibigay ng libreng serbisyong medical at mga gamot, optical checkup at salamin, haircut, manicure/pedicure. Nagbigay din ng donasyong pagkain tulad ng instant noodles, bigas, delata, gamot personal hygiene kit at first aid kit para sa lahat ng pasyente ng Galilee Home.

 

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •