Employees' Wellness Day

Isang miyembro na tumatangkilik, ganyan mailalarawan ang ating mga kawani o empleyado sa ating kooperatiba. Isa sila sa masugid na tagatangkilik ng Manatal Coop kung kaya naman sila ay hinandugan ng kalahating-araw na wellness program.

Ito ay para makapag-relax at makapagpaganda na hindi naibigay sa kanila noong panahon o araw na ginanap ang 24th Foundation Day. Kaya napagpasyahan ng committee na bigyan ng bukod na araw para sa mga empleyado at opisyal lang ng kooperatiba ang makapag-enjoy sa pribilehiyo ng wellness program.

Ginanap ang okasyong ito pagkatapos ng oras ng trabaho, araw ng sabado noong Agosto 29, 2015. Isang tanghalian ang pinagsalu-saluhan bago nagsimula ang programa. Nagbigay din ng libreng medical at optical checkup. Kasamang nakisaya sa okasyong ito ang mga officers ng ating kooperatiba. Naging masaya at matagumpay ang okasyon dahil sa tinangkilik at sinuportahan ito ng lahat ng empleyado ng ating kooperatiba.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •