Department of Agrarian Reform

 DSC1620

Department Agrarian Reform Forum. Bumisita ang Department Secretary ng DAR na si G. Virgilio Delos Reyes "Gil" kasama ang ilan sa kanyang mga kawani sa Manatal Coop noong ika-15 ng Abril 2016, upang kapanayamin ang ilang magsasaka sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ay bahagi ng kanyang adhikaing maisaayos ang mga hinaing ng mga magsasaka at upang kumuha ng mga habiling nais ng mga magsasakang matugunan sa pagpapalit ng administrasyon. Sa kanyang pakikipagtalakayan, naibahagi niya ang mga repormang hindi pa natutugunan ng kasalukuyang administrasyon. Binanggit din niya ang kahalagahan ng lupon ng magsasaka at kooperasyon nito upang higit na mapaunlad ang industriya ng pagsasaka sa bansa. Kanya ding binitiwan ang pangakong ihahabilin ang anumang ulat at mga hinaing nakalap niya sa buong bansa sa kanyang pagbisita sa mga magsasaka. Sa huli nagpasalamat ang kalihim sa lahat ng dumalo at nagbigay ng kanilang mga hinaing at katanungan sa DAR at humingi din siya ng paumanhin dahil sa mga kakulangan ng kanyang ahensya na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga magsasakang Pilipino.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •