Officer & Staff's Outing 2016

Outing

Officer & Staff's Outing 2016. Bilang pahabol sa tag-init, ang mga opisyal, tagapamahala at mga empleyado ng MANATAL COOP ay nagsama-sama para sa kanilang Officers and Staff Outing na ginanap sa Morong, Bataan noong ika-3 ng Hunyo. Bago umalis papunta sa venue ay sama-samang nag-almusal ang lahat.

DSC 0025
Ika-7 ng umaga nagsimulang bumiyahe ang mga sasakyan kung saan nakasakay ang mga opisyal at kawanihan ng MANATAL COOP. Bago dumating ang tanghali ay nasa Coral Vie
w Resorts na ang lahat.

Sabay-sabay din na kumaen ng tanghalian ang lahat. Matapos ang tanghalian ay kanya- kanya ng nagsipuntahan sa kanilang mga kwarto ang iba sa mga sumama, ang ilan ay naglaro sa recreational activities na ibinibigay ng Coral View Resort, ang iba naman ay nilibot ang lugar at ang dalampasigan, naligo sa mga pool at sa dagat at ang iba ay lumahok sa palarong inihanda ni Sir Jemuel Feliciano (HR HEAD). DSC 0494
Sa hapunan, muling nagsama-sama ang lahat para sabay-sabay na kumaen.

Sa ikalawang araw, patuloy ang kasiyahan ng mga opisyal at empleyado. Sinulit ng mga sumama ang dalawang araw na pahinga. Bago magtanghali ay bumiyahe na ang mga kasama sa OUTING pauwi sa Bulacan subalit dumaan muna ng Subic upang doon ay kumain ng tanghalian at bumili ng pasalubong. DSC 0571

Malaking pasasalamat ang makikita sa mga sumama sa ginanap na outing. Ang dalawang araw na pahingang iyon ay sadyang kasiya-siyang ibinahagi ng isa't-isa sa kanilang kapwa.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •