______________________________________________________
Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-33 taong pagkakatatag ng ating kooperatiba, ang Manatal Coop ay nagsagawa ng kanilang 33rd Foundation Day kung saan ito ay nagbigay ng libreng Medical Services tulad ng Medical Check Up, Diagnostic Test, Optical Service at Dental Service at Libreng Wellness Services tulad ng Hair Cut, Massage at Manicure/Pedicure para sa mga Members at Non-Members. Bukod dito ay nagkaroon din ng Outreach Program kung saan ay nagbigay ang ating Kooperatiba ng mga Groceries/Food Supply sa 4 ng Foundation na sinusuportahan ng Manatal Coop. Ito ay ginanap noong August 31, 2024 sa Manatal Coop Empowerment Center, Bunsuran 2nd, Pandi, Bulacan.