001Officers and Staff's Funday 2019::February 02, 2019 ______________________________________________________
Masayang ipinagdiwanang ng mga empleyado at mga kawani ng Manatal Coop ang naganap na taunang Officers and Staff Funday noong ika-2 ng Pebrero 2019 na may temang “Funday Kick Off!” kung saan ang lahat ng mga empleyado at kawani ay nakatanggap ng Personalize Jersey bilang souvenirs.

Ang lahat ng mga empleyado ay aktibong sumali sa mga palaro at sorpresang inihanda para sa kanila. Gayundin ang mga kawani ay game na lumahok kahit pa sila ay napagtawanan. Marami rin ang ipinamigay na raffle prizes, grocery give aways.

Sa kabuuan, ang buong programa ay napuno ng masasayang mga palaro, sorpresa, papremyo, pagkain, paligsahan ng talento, give aways at souvenirs. Higit sa lahat, ito ay nag-iwan ng ngiti sa kanilang mga labi at ala-ala ng isang araw na puno lamang ng kasiyahan.