001Outreach Program (Galilee Home)::March 20 2019 ______________________________________________________
Ngayong araw, March 20, 2019, ay masayang nag-abot ng tulong ang MANATAL COOP sa mga nakatatanda ng Galilee Home sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Tayo ay nagbigay ng libreng serbisyong Medical at Optical Mission, libreng haircut, at simpleng pamerienda. Nagkaloob tayo sa kanila ng mga biskwit, mantika at ilang gamit panlinis. Nag-iwan rin tayo sa kanila ng ilang mga pangunahing gamot at bitaminang kailangan nila at simpleng regalo para sa bawat isa sa kanila.