001Women's Day 2019::March 26, 2019 ______________________________________________________
Noong March 26, 2019, ay ginanap ang Women-Members Day sa Manatal Coop Empowerment Center.

Ito ay bilang pakikiisa ng MANATAL COOP sa International Women's Month na may temang “Think equal, build smart, innovate for change”. Kaya naman, tayo ay nagbigay ng libreng Seminar at Hands-on training tungkol sa Mushroom farming and production. At upang mas matulungan pa ang mga kababaihan na makapagsimula ng kanilang negosyo, tayo ay nagbigay sa kanila ng mga starter kit o mga materyales para sa pagsisimula ng kanilang mushroom farming.

Ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng MANATAL COOP Community Development Committee at Pandi Department of Trade and Industry (DTI).