Youth Day 2022 :: June 24, 2022 ______________________________________________________
"Youth Day: Invest in our Future" ang naging tema ng katatapos lamang na Manatal Coop Youth Day 2022 na ginanap noong June 24, 2022 sa Ishka Manatal Fresh Water Resort. Ang mga kabataan ay nagkaroon ng maikling seminar ukol sa Financial Literacy upang sila ay magkaroon ng kaalaman tungkol sa tamang paghawak ng pera, tamang pag-iipon, tamang paggastos, at kung paano ito mapapalago. Nagkaroon din ng recreation and team building activities upang madevelop ang kanilang self-esteem, social skills, team work, at mag-enjoy sa mga screen-free activities.