Announcements
Rice Distribution
Good news mga KaAsenso!
Ngayong Cooperative Month, nais naming pasalamatan ang mga myembrong patuloy na nakikibahagi sa ating Kooperatiba sa pamamagitan ng pamamahagi ng 10 kilos ng bigas sa lahat ng kwalipikadong miyembro na may at least P1,000 share capital as of August 2026.
Ang pamamahagi ng bigas ay magsisimula sa October 12 hanggang October 16. Hintayin lamang po ang aming susunod na advisory tungkol sa itatakdang schedule ng inyong barangay o munisipalidad at ilan pang mga paalala.
Bilang simpleng tugon sa mga pagsubok na ating kinakaharap, maliit man ito, nawa’y makatulong sa mga myembro at magsilbing paalala na ang Manatal Coop ay laging kasama at kaalalay ninyo.
#ManatalCoopCares #CooperativeMonth2026
