Officers and Staffs' Fun Day - "Reliving our Childhood Memories"

FUNDAY tarpaulin

Naging matagumpay ang katatapos palang na "Officers & Staff Fun Day 2016" ng Manatal Coop na ginanap sa Davids of Eve Pavilion, Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan kung saan nilahukan ng lahat ng mga opisyal at empleyado ng Manatal Coop suot ang kani-kanilang mga costume para sa temang anime: "Reliving our Childhood Memories".

Sinimulan ang programa ng picture taking ng bawat departamento ng Manatal Coop, sinundan ito ng pag-rampa ng mga bahagi ng Event Committee. Matapos nun nagpakitang gilas din ang mga empleyado at opisyal na suot ang mga costume ng mga karakter na ginaya nila, rumampa sila habang tinutugtog ang mga theme song ng mga anime at super hero character at ipinakita din sa wide screen ang itsura ng mga ito. Mayroon ding photo booth kung saan lahat ng dumalo ay nabigyan ng instant picture moment habang suot ang kani-kanilang mga costume. Naging masaya ang lahat dahil sa mga palaro na isinagawa at sa mga papremyong ibinigay sa raffle draw para sa lahat ng mga dumalo. Ipinalabas din sa kauna-unahang pagkakataon ang video presentation na inihanda ng ilan sa mga empleyado ng Manatal Coop sa pangunguna nina OIC Ma. Cristina Feliciano, HR Jemuel Feliciano, Sta. Maria Branch Manager Leah Gumasing at iba pa. Natapos ang palatuntunan sa maikling mensaheng nagmula kay Chairperson Eric Dizon na nagpasalamat sa lahat ng mga nagsidalo at nakiisa sa kaganapan na iyon. Matapos nito ay ipinamahagi sa lahat ang isang box ng grocery package. Nag-uwi ng tuwa at papremyo ang bawat isang dumalo sa Fun Day.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •