Youth Day 2015 - Imagine, Create, Inspire

Bilang pagkilala sa kakayahan ng mga kabataan, ipinagdiwang ng Manatal Coop ang YOUTH DAY 2015 na may temang  IMAGINE, CREATE, INSPIRE.”
Ginanap ito sa Manatal Covered Court at Manatal Fresh Water Resort noong Mayo 19, 2015, ito ay isang araw na event.
Nakiisa sa programa ang ilang opisyales ng Manatal Coop na pinangungunahan ni Community Development Chairperson Cresencio C. Marquez kasama sina chairperson Eric F. Dizon, Director Estelito S. Cabuhat; Ethics Committee Chairperson Ricardo B. Trinidad, Jr., at Proceso C. Sta. Ana; Mediation & Conciliation Committee Member, Oscar G. Flores, at Rolando L. Ygot; Election Committee Member Ma. Estela T. Santos. Sinimulan ang programa sa opening remarks ni Director Estelito S. Cabuhat na sinundan ng isang maikling seminar ni Chairperson Eric F. Dizon na may paksang “Financial Literacy” kung saan tinuruan ang mga kabataan na magtipid, mag-impok, at gayundin ng tamang pag-hawak ng pera para sa kanilang kinabukasan. Pagkatapos ng seminar ay hinati sa anim na grupo (red, bue, orange, violet, yellow at green team) ang mga kabataan na may kabuuang bilang na animnapu’t apat (64), kung saan ang anim ng grupo ay nagpaligsahan na parang isang team building activity. Pagkatapos ng team building activity ay nagsalusalo ang lahat sa tanghaliang inihanda sa pamamagitan ng boodle fight kung saan nag-enjoy ang bawat isa. Pagkakain ng tanghalian ay sinimulang mag-raffle ng mga regalo na ang lahat ay nagkaroon, sinundan ito ng nakarerepreskong paliligo sa resort. Nag-enjoy ang lahat ng kabataan na dumalo sa programa ng youth day, nagtapos ang okasyon sa isang maikling pasasalamat at mensahe ni Director at Community Development Chairperson Cresencio C. Marquez bilang closing remarks.
 
nagsalu
-
salo ang lahat sa tanghaliang inihanda sa
pamamagitan ng boodle fight kung saan nag
-
enjoy
ang bawat isa. Pagkakain ng tanghalian ay
sinimulang mag
-
raffle ng mga regalo na ang lahat ay
nagkaroon, sinundan ito ng nakarerepreskong
paliligo sa resort. Nag
-
enjoy ang lahat ng kabataan
na dumalo sa programa ng youth day, nagtapos ang
okasyon sa isang maikling pasasalamat at mensahe
ni Director at Community Development
Chairperson
Cresencio C. Marquez bilang closing remarks.

 

mmpclogo  Official Website of Manatal Multi-Purpose Cooperative / www.manatalcoop.com
  • Home
  • ........................................................................................
  • Membership
  • ........................................................................................
  • Frequently Ask Questions
  •    - How to become a Member of Manatal Coop?
  •    - What are the Classifications of a Member?
  •    - What is Life SD?
  •    - How can I avail loan?
  •    - What are the collaterals accepted?


  • Contact Us
    •    - Main Branch
    •    - Norzagaray Branch
    •    - Sta. Maria Branch
    • ........................................................................................
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •    
    •